TIP 10

TIPS SA KUKUHA NG EXAM. GANITO ANG GINAWA KO:
1. Hindi ako nag-ingay ng sobra nung kumuha ako ng exam as in minimal lang ang mga tao na nakaalam na nagtake ako para kung di ako pumasa man walang masyadong mag-uusap tungkol sa akin. Hindi masyadong masakit, only mga family ko lang at taong umaasa sa akin.
2. Huwag na huwag magbibilang ng sisiw hangga't di pa napipisa ang itlog. Nung nagtake ako pagpasok ko pa lang sa room ang iingay na nila at sobra silang confident to the extent na naging mayabang na. Iwasang maging ganun.
3. Nahirapan ako sa Gen. Ed at Major aminado ako doon. Nung sinasagutan ko ang Gen. Ed kada shade ko napapabulong ako ng "God please" tagal ko natapos pagtingin ko konti na lang kaming natitira sa room. Paglabas ko sobrang nabother ako kasi ang ingay nila, sinasabi nila na ang dali daw ng Gen. Ed which is nahirapan ako so again tahimik lang ako ganun rin sa Major. Hindi ako nagkaroon ng takot na aminin sa sarili ko na nahirapan ako sa exam. Maging honest tayo hindi yung kahit nahirapan naman talaga eh sasabihin pang hindi para lang masalba ang pride.
4. Pagkatapos ko kumuha ng exam grabe na ang panalangin ko. Naniwala lang ako sa Kanya at sabi ko kung ibibigay sa akin lubos kong tatanggapin at kung hindi tatanggapin ko pa rin. Pray talaga at tiwala lang sa sarili pero hindi yung sobrang tiwala na nauwi sa kayabangan huwag tayong maging ganon. Again, iwasan.
5. Kapag nakapasa ka na at nakita mo na ang pangalan mo magpasalamat ka sa Kanya. Sa mga taong naniwala at di naniwala sayo. Pwede ka nang mag-ingay pero uulitin ko huwag sobra! Dahil po may mga tao ring nagluluksa ikonsidera natin ang kanilang damdamin.
6. At ang pinakamahalaga! Lahat pag-aralan mo huwag magrely sa isa lang dahil di natin alam ang lumalabas sa exam maloko ang PRC. Aim to top sabi ng teacher ko! Dahil kapag nag-aim ka to top ibibigay mo ang best mo huwag kang magsettled sa pagpasa. Paano kung ang binigay mong effort ay para sa pagpasa lang din at nafailed ka dahil iniisip mo na nagkulang ka? Walang masama sa pagsasabi na kailangan mong magtop hindi pagyayabang yun it's a sort of motivation. Ibigay mo lahat at ibuhos mo pero wag na wag mong pilitin ang sarili mo. Nasa iyo pa rin yan! Enjoy mo lang ang exam at kung ano man ang hatol? Tanggapin ng buo! Lahat may rason. Pwedeng umiyak kapag nasaktan pero wag na wag mong sasabihan ang sarili mo na may kakulangan ka o kaya'y bobo ka at di ka na babangon. Lahat tayo may utak at lahat tayo ay nakakatanggap ng biyaya! At please sa mga pumasa huwag niyong iparamdam rin yun sa kanila maging maagap tayo sa ating mga salitang bibitawan. Hindi porke't nakapasa ka may karapatan ka ng mangmaliit ng iba. Katulad mo deserve rin nilang purihin at itaas dahil pare-pareha lang tayo ng pinagdaanang hirap. Mabuhay tayong mga guro!

PS. TINATAAS NG DIYOS ANG MGA TAONG NAGPAPAKUMBABA AT BINABABA NIYA ANG MGA NAGMAMATAAS. 💯
PPS. HUWAG SUMUKO DUDUGTUNGAN MO PA ANG PANGALAN MO. LPT!

Credit to Teacher Maria Fe

Comments