TIP 14

Di po ako nag top notcher, pero gusto ko sana magbigay ng tip sa mga mag tatake ng board exam this march.
1. Unang una po talaga lagi, dasal, tiwala sa sarili at tiwala sa diyos.

2. Wag pong mag aaral kung tinatamad, kasi walang papasok sa isip ninyo.

3.wag ipilit ang 8 hrs straight gaya ng sinasabe ng iba. Refer to number 2. Wag niyo istressin ang utak ninyo sa dami ng details. Kung 2 to 3 hrs lang kayo nakapag review, importante may pumapasok pa sa isip ninyo. You could rest and continue again kung ganahan kayo ulit. DONT STRESS YOUR BRAIN.

4.use mnemonics

5.before reviewing a specific subject, try to answer 100 to 200 items then check. Brain exercise para dn malaman ninyo kung ano ang di niyo pa alam. Napaka helpful nito . When i was reviewing naka 3500 items ako (shempre not in one day) . Very helpful!

6.make sure na tamang busog lang kayo, wag kayo kain ng kain kasi malilihis ang attention ninyo at aantukin kayo sa kabusugan .

7. Wag kabisado ng kabisado sa bawat term kasi hnd lalabas yang kinakabisado ninyo. INTINDIHIN ANG TERM. uulitin ko po INTINDIHIN AT WAG KABISADUHIN LANG.

8.dont over analyze pagdating sa exam, ung ibang tanong sa exam napaka haba lang pero iisa lang naman ang point.

9. Try to control your emotions, wag masyadong kabahan . Nakaka mental block yan.

10. Eat full meals every morning . Lalo na sa day ng exam kasi may mga proctor na kahit mineral bawal. Nasa labas ng exam room .

11. Make sure na komportable ka habang nag aaral, ay ilayo ang cellphone as much as possible kasi nakaka tempt na mag cellphone nlang.

12. Dont read your lengthy notes, make it shorter para mas madaling matandaan. Madalas kasi jan naguumpisa tamadin kapag mahaba ang binabasa.

13. Unahin ang subject na pinaka mahirap para sayo, kasi kapag hinuli mo yan,  tatamadin ka lang, mas maganda mauna ang pinaka mahirap kasi mas papasok sa isip mo.

14. Wag nang mag aaral a day before the LET , ipahinga ninyo ang utak ninyo at maaga kayo matulog . Dapat relaxed ang brain. Yan ang puhunan ninyo sa LET.

Napaka hirap ng LET to the point na nagiiyakan sila pagka labas ng testing area . Walang chamba chamba sa LET. Ako natulala n lng. Speechless. Ganon khirap ang let. Normal ang anxiety na may namiss ishade, kaya i make sure ninyo na ma fill in ninyo lahat ng details before answering the exam . And again, PRAY.

All these are tips na gumana sakin .
I hope this would be helpful.

#BatchSept2018

Credit to Teacher Angelli Jasa

Comments