TIP 2

TIPS (lalo nadin sa first timers)

·INSTRUCTIONS are very important. MAKINIG. MAKINIG. MAKINIG, ibig sabihin mas magandang antayin po ang Instructions bago pa man magsulat.

·Sa mga fill ups mo siguraduhin mong wala kang makakalimutan isulat at MAKINIG po talaga sa INSTRUCTIONS. LEND YOUR EARS sa nagbibigay ng INSTRUCTIONS.

 ·Sa puntong unang buklat niyo po ng Testbooklet at di niyo napo na agad alam ang sagot, RELAX wag na wag po kaung papatalo sa kaba, the more po na kabahan ka the more na dika makakaFocus. Magrereact po agad ang katawan at isip niyo. MAG TOTOP po KAYO AT PAPASA! BE POSITIVE.

·I advice po to SKIP then go back after pag di niyo po talaga alam ang sagot, tandaan niyo po cher may time limit lalo na sa Gen ed 2 hours lang, pag alam niyo po at ramdam niyo na medyo natatagalan po kayo mag answer SKIP put a mark sa testbooklet at balikan niyo nalang po.

·Kung takot po kayo sa Math at nakita niyo pong madaming items ang math, isa ding technique ihuli niyo po ang math na sagutan, kung alam niyo po na time consuming talaga pero siguraduhin niyo kaya niyo imanage ang time. Kung nag aalangan po kayo, wag nalang sagutan niyo nalang po muna. Put a marker sa number simula sa first question ng math hanggang sa huli kung ihuhuli niyo po na sagutan ang math.

·Kapag wala napo option kung ano talaga answer, Close your eyes state a short prayer then shade, effective po yan!

·Sa choices at tanong lagi may clues yan po yan, tignan niyo po at basahin maigi ang tanong. SAGUTIN niyo po kung ano LANG ang tinatanong. Minsan nasa kutob o instinct po yan kung alam niyo po at talagang malakas kutob niyo shade niyo napo!

·Sa choices po na A B C D , pag alam niyo po na wala sa isang letra ang sagot ELIMINATE po agad! Yung natitira po ang pagpilian niyo. Hanggang sa may dalawang option napo kayong matira kung ano po pinaka malapit malamang yun na ang sagot. Wag niyo din kalimutan believe in the Power of C pero check niyo din po ang sagot kung tugma ba. Wag niyo din baliwalain si E. Kung alam niyo po na wala talaga sa sagot lalo na sa math, show your solution at punta po kayo kay E.

·Wag po kayong mapressure kapag nagsulat o nagsabi na ng time sa blackboard. Tuloy lang po sa pagsagot. Hanggat wala pang time di papo kukunin ang answer sheet.

·Pag postive po ang tanong malamang positive po ang sagot. Take note po kayo diyan. Be careful sa Yes or No with or without explanation sa choices kung ano po ang tanong answer it directly. Sa all of the above po kung alam niyo po na may isang mali sa choices malamang di all of the above yan. Kung none of the above naman po kapag sa choices may naiibang sagot malamabg hindi po none of the above yan. Basahin maigi ang tanong bago magshade o sumagot.

·Kung natapos po kayo ng maaga siguraduhin niyo po 150 ang nshade niyo bilangin niyo po. Wag kalimutan isulat ang SUBJECT NAME sa gilid at ishade kung anung SET kapo kung A or B. Lahat yan ibibigay sa INSTRUCTIONS. Kaya talasan ang pandinig. Ireview ang mga sagot, kung nagkataon na gusto niyo magbura I advice po na hanggat maari wag nalang po. Kaya po kung di sigurado sa sagot timbangin muna pero imanage ang time.

·Given napo itong huli PRAY bago pumasok ng room, bago magstart at pagkatapos ng kada subject. Iba ang nagagawa po ng prayers. Mahal kapo ni Lord kahit sabihin niyo pang nagkakasala po tayo wag kapo mag alala di tayo perpekto, Kung feeling niyo po madami kayo kasalanan at natatakot kayo sa magiging resulta o mismong exam niyo po. Realidad yan kaya, maski ako nagkakasala po talaga. PRAY, magdasal po kayo ng taimtim, alam ni Lord kung ano nasa puso niyo po kung mangyaring tumulo man ang luha niyo sa kada dasal niyo at tumatayo ang balahibo niyo hayaan niyo lang po. Isa yan sa nagpapatunay na bukal ang panalangin niyo.

Wala pong nakaka alam ng magiging resulta ng exam niyo po nakabase yan sa magiging performance niyo at preparasyon niyo po sa mga nagdaang buwan o kahit taon man. Minsan po nakakamanghang isipin ang iba na nagsasabing Pumasa sila kahit di sila prepared o handa kahit self review sila at nagtratrabaho sila. Alam niyo po ba kung bakit? Napagtanto ko po din talaga yan. Papasa kayo at Magtotop po kayo dahil will ni Lord yun. May mga milagro pong nangyayari mismo sa araw ng Exam. Sa huli magtiwala po kayo sa sarili niyo at tibayan niyo lang ang pananalig niyo. GOOD LUCK PO AT GOD BLESS SA INYONG LAHAT chers!

#FAITHHARDWORKCOURAGEwithHUMILITY
#MARCH2017LET

Credit to Emerson Villarojo

Comments

Post a Comment