Tip 8

These are my tips  and experiences before taking the board exam. I just recently passed the Let. First take and Self review.

1. "Tuhod at utak ang puhunan" Yan yung sabi nung kapitbahay namin 2 months before the exam. Meaning, Prayer at effort din mag review. Opo, ako bilang christian,malakas po yung faith ko kay Lord, pero hindi ibigsabihin na hindi na ko magrereview at iiaasa na lang sa himala ang lahat. Dapat may effort din tayo.😊

2. 2 months before the exam, nagsasagot na ko ng 50 questions pero pag sinipag pa lang. Tapos yung mga applications natry ko din. Dami kong pdf reviewers pero hindi ko din naman nabasa lahat😂 ilan ilan lang.

3. Masarap kapag yung pamilya mo suportado ka na sasabihin sayo kahit di ka pumasa walang magagalit sayo,take lang ng take. One reason kung bakit relax ako during the exam.

4. Marami nagsasabi na matulog ng maaga the day before the exam, pero ang nangyari,  maraming let takers ang hindi na nakatulog. Buti ako naka 2 hrs. Ewan ko ba,hindi ko naman iniisip na mag eexam na ko kinabukasan pero di pa rin ako nakatulog.normal na ata yun. 😂

5. Huwag mong maliitin ang sarili mo gaya ng ginawa ko sa sarili ko. Hindi porke pala self review ka hindi ka na makakapasa. Pero know yourself din, alam mo naman ang capacity mo kung marami kang natutunan sa 4 years mo. Ako kasi parang sabi ko yung mga kaklase ko nag review center ako hindi, pero nakapasa po ako at yung  ibang mga mate ko na nag review center,hindi pinalad..Kung sila think positive ako think negative, kasi yun ang sabi ng mama ko, don't expect too much. Ang expect mo yung negative,Para pag positive ang result, oh eh di congrats, you're pregnant. Joke. Eh di magugulat ka na lang na wow pasa ako..Kaya ako hindi ako nag expect masyado. At sobrang overwhelmed ko nung pumasa ako.

6. Before taking the exam, oo alam ko mahirap pero relax ka lang. Wag mong isipin na let yun isipin mo final exam lang. Dahil honestly para ka din namang nag final exam mas marami lang questions.

7. Always remember na may oras kayo sa pagsagot ng exam, ako kasi sa sobrang kalma ko, 5 minutes na lang pala ipapasa na, kaasar din naman kasi yung proctor nag warning lang nung last 5 minutes na, ang ending tuloy hanggang sa table ng proctor nagsheshade ako dahil nga kinukuha na ying papel eh no. 80 pa lang ako.at ako na lang ang nagsasagot at wala akong pakialam😂 sa gen ed po yun.  Kaya nung prof ed na binilisan ko na, ayun ang haba pa pala ng oras tapos na ko. Pinasa ko na rin.

8. Before taking the exam, MAGPRAY KA. lumuhod ka sa panginoon..sabihin mo yung gusto mong mangyari😊 mas effective pa yan kesa sa pagtatype ng amen sa mga comments na papasa ka.(wala namang masama dun pero para sakin kasi parang nanalangin ka sa social media, kaya never ko ginawa yun, kinakausap ko talaga si Lord on my own through prayers😊) Dapat sincere ka. 😊

9. Sabi nila bawal daw erasure kaya hindi talaga ako nagbura, naaalala ko rin kasi yung sabi ng teacher ko na trust your instinct daw😊😂

10. Huwag mahihiyang magtanong sa proctor kung may ritemed ba, I mean kung may tanong ka talaga. At makinig muna sa proctor bago mag fill out ng kung ano ano. Marami pong nakalimot na ilagay ang subject nila at i shade kung ano set nila. Sana nakapasa sila.

Lastly, PRAY PRAY PRAY....To God be the Glory. Congrats po sa ating mga Let passer, at sa mga hindi po pinalad, Wag panghinaan ng loob. Walang susuko.!!!!!

Credit to Teacher Jay Jaime

Comments