Tips How to Pass the LET exam from Alfredo P. Mercado Jr

Hi I just wanna share my humble journey to LPT...I'm Alfredo P. Mercado Jr. Also know as Bright, pinanganak sa Cabanatuan City Nueva Ecija, simple lng kami Kung sasabihin NG mga tao.Mabait, mapagkumbaba at pala kaibigan. Bata palang ako ay buhay na Ang ulo ko sa mga bagay bagay, Kaya Sabi nila mature daw akong mag isip. Naranasan Kong magtipid at magimpok Bata palang, sa kadahilanan na kami ay kinakapos minsan. Kaya Kung kami ay iiwan NG aking magula, ako bilang kuya Ang bahala sa buong bahay at 2 kapatid ko. Buti nlng may pera akong natatabi pang bili NG sardinas at talbos NG kamote sa bakuran. Naranasan din nmn mawalan NG kuryente na taon din Ang binilang. Maski malayo Ang skwelahan ko ay matiyaga Kong nilalakad, dahil pursigido akong makatapos sa pagaaral. Hanggang sa naka tapos ako sa Elementary. Napadpad ako sa San Mateo, Isabela. Isang lugar na di pamilyar maski Ang lenggwaheng ginagamit. Doon ako pinag aral NG Lola ko. Sa La Salette, isang pribadong paaralan. Sa pag aaral ko sa HS. Maraming pasakit Ang aking dinanas, Mula sa kapatid NG aking Lola, naranasan Kong, itulak at palayasi sa bahay, maski Ang mga gamit ko sa kahoy ay nasambulat sa lupa. Sabi pa sa akin, Tanga, Bobo at Hindi daw ako makakapagtapos sa pag aaral, bakit daw ba napadpad ako sa Isabela, nag kabwisitbwisit Ang buhay nila. Sa murang edad ko na Yun, maraming tanong Ang umiikot sa aking isipan. Ako ba tlga Ang dahilan NG mga kamalasan nila. Talaga bang Wala akong kapupuntahan. Ngunit sa aking pagiisip, ito ay nag silbing hamon sa akin para galingan pa at ipakita na Mali Ang sinasabi nila sa akin. Ang masakit ay Kung Sino pang tinuring mong kamag anak sila pa Yung mag dodown sayo at walang conser. Hanggang sa grade na line of 80 ay naging line of 94.. at na pabilang naring sa Top 10 sa klase. Take note ako lng Ang lalaking nakapasok sa top 10. Kaya ako Ang nagiging pambato nila. Ako Rin ay tumanggap NG parangal bilang Best Practical Spoken English Program Speaker for 3 consecutive years... Na nag bigay galak at saya dahil sa bawat pagyapag ko sa entablado ay sarit saring Papuri at palakpak Ang aking naaani.. na Sabi ko Sana Yung mga relatives ko sa na Ang Isa sa kanila. Hanggang sa nakapagtapos akong HS. Ako nmn ay Bumalik sa Amin upang kumuha NG Mechanical Engineering ngaunit kinapos kami sa pera Kaya Hindi ko na tapos. Bumalik ako sa Isabela at Doon ko pinagpatuloy Ang college ngunit Hindi bilang Engineer kundi bilang isang IT, naging provincial scholar akong buong Isabela for 4 years, consistent Dean Lister, President NG klase, choir, singer, prayer warrior at higit sa lahat candidate for cum laude. Maraming hirap sa buhay,may time na akong di natutulog para sa mga projects, reports at thesis. May oras din minsan na pumasok ako NG di naliligo. Wala akong ganoong baon Kaya pag recess Ang laging pinuntahan ko ay library, .laking library ako.halos lahat na yata NG libro ay nabasa ko.. salamat at hilig Kong magbasa at tumuklas NG mga bagay. Kaya siguro Bright ako Kasi ganun Ang ugali ko. Nag papasalamat ako lubos sa mga ka church mate ko sa COG dahil sa kanila nalabanan ko Ang hiya at kaba. Nilabas nila Kung ano pang Kaya Kong magawa at ma improve. Sa kalaunan, naging president NG youth, adviser, song leader /worship hanggang naging district Worship head.masaya makakilala NG mga tao sa Panginoon lalo na mapunta sa kanilang mga lugar.. Mas lalo akong na hasa Kung paano mag turo dahil nag aapoy Ang aking damdamin na maglingkod. Kaya kahit may problem , smile lng ako lagi dahil Alam ko kasama ko lagi Ang Diyos na buhay. At lahat NG bagay ay nangyayari ayos sa kagustuhan Niya. Lahat NG problem ay may kasagutan at may dahilan... Sa akin walang bad moments dahil pagpapala lahat kahit minsan ay may bighati at kalungkutan...smile parin, positive lagi.. haggang maka pag tapos ako NG college at nadaan ako sa Rainbow isang private elementary school. Doon marami akong nadadag na kaalaman lalo na sa pag intindi sa mga Bata at strategy sa pag tuturo. Sabi ko nga lagi sa kanila pag pasok nyo sa pintuan NG solid aralan n ito make sure lalabas kayo na busog NG kaalaman. Teach by the heart and touch Ang kanilang emotions. Kaya ganun nlng Kung mag Mahal sa akin Ang mga bata. Salamat sa mga magulang, co teacher, principal at owner NG school, dahil sa inyo Kaya nakayanan ko ito. Challenge lahat lalo Nat nag aaral ako NG sabado at linggo. Pagkatapos NG ilang buwan, at nag review center ako, Proud to say tatak agila, tatak cbrc..salamat sa bawat oras at araw , sobrang saya ko tlga at mmarami akong nakilala at naging kaibigan.. At ngayon passer na, kitakits sa oath taking .Salamat sa Diyos sa habag at biyaya Niya plus sipag at tiyaga.. naka pasa. First and last take... Sa buhay, Ang tagumpay ay nag mumula sa pangarap na gusto mong makamit, subalit Hindi madali dahil matarik, matulas, matinik at malubak. Dadapwat, Kung may pananalig ka at determination walang makaka hadlang kahit Sino pa Yan dahil may gusto Kang makamit at mapatunayan sa sarili mo, na kakayanin mo dahil kinaya Rin nila. Kung gusto mong may mangyaring kakaiba sa buhay mo, kailangan may gawin ka na di mo pa nagagawa. Go out from your comfort zone, may pakpak ka, Kaya gamitin mo ito para lumipad NG mataas. When you reach the top, be ready to be at the bottom of the next level. Keep the faith, hope and love. Rest if you must but never surrender. Share positivity and care. 

Alfredo "BRIGHT" P. Mercado Jr., LPT
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION
Major in Social Studies
March 2019 LET Passer

Comments

Post a Comment