Mga Tips para sa mga Mag eexam sa BLEPT

1. Alamin mabuti kung saan ang room assignment mo at tignan kung nakalagay ba ang pangalan mo sa harap ng pintuan bago ang examination day.
2. Agahan ang pagpunta sa testing area/room assignment.
3. Magsuot ng prescribed na damit. Huwag maging pasaway 😉😉😉
4. Tignan lahat kung kumpleto ang gamit bago pumasok sa testing area/room assignment.
5. Kumain at matulog ng maigi bago ang examination day. Wala munang mag wawalwal. 😁😁😁😁
6. Huwag kumain ng sobra baka maging proproblemahin mo ang tiyan mo pagdating ng examination day.
7. Magsuot ng sapatos na sa tingin mo mas komportable ka.
8. Magbaon ng candies, malaking bagay ito lalo na kung medyo nagugutom ka na at madami pang sasagutin.
9. Huwag masyadong pipilitin ang pagreview  isang linggo bago ang examination day,  lalong walang papasok sa isipan mo. Relax and Enjoy the examination 😊😊😊
10. Huwag masyadong magtatanong sa mga kasamahan mo sa loob ng testing area kung first time ba nila o ilag beses na silang nagtake.  Lalo kang kakabahan. Focus lang. Kaya mo yan.
11. Bago magsisimula ang exam, dapat siguraduhin na nakaihi ka na ng husto.  Magiging sagabal ito pag nagsimula na ang exam.
12. Tignan mabuti ang set ng iyong booklet,  pages, kompleto ba ito at ang pagshade sa answer sheet. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nakakapasa ang ilan ay mali ang kanilang set na shineshade.  Tignan maigi,  walang kuwenta ang mga tama mong sagot kung ibang set ang shinade mo
13. Ingatan ang pagdiin sa lapis sa answer sheet. May mga pagkakataon na bumabakat ang guhit nito sa likuran.
14. Tanungin sa proctor kung anong unang sasagutin, gen ed ba o prof ed.  May mga ibang proctor na mahina ang boses at sabay na binibigay ang test booklets sa gen ed at prof ed. Ang ibang nag eexam, inuunang sinasagot ang prof ed kaysa gen ed.  Tas tatanungin ng proctor kung tapos na ang gen ed.  Usually gen ed ang una,  sunod ang prof ed then sa hapon ang major (BSEd).
15. Maghanda lagi lalo na kung may bagyo sa pilipinas.  May pagkakataon na kapag binabagyo ang ibang testing areas sa pilipinas,  pinakakansel ang exam.  Dapat sabay-sabay ang pag exam.
16. Tanungin kung magagamit ba ang option E o hindi. Ang answer sheet kasi may letter e (noong time namin ewan ko ngayon).  Sa tingin ko nagagamit ito lalo na sa math,  kung walang possible na answer, you can use letter e.
17. Bago ipasa ang papel, tignan maigi kung nasagutan lahat ang mga tanong. Ang ilan sa mga nag eexam,  pinapasa ang mga answer sheets na hindi tinitignan kung nasagutan na lahat ang mga tanong
18. Gumamit ng ruler para tignan kung nasagutan na lahat nag mga tanong. Umpisahan sa taas pababa ang pagtingin.
19. Huwag tumingin sa paligid,  lalo na kung pasahan ng answer sheets.  Take your time, habang may oras pa.  Lalo kang kakabahan kung tingin ka ng tingin sa paligid mo.
*lalo na kung andon si ex mo ksama si bf/gf niya.  Nasa isang room kayo,  saklap 😂😂😂
20. Huwag kalimutan magdasal araw-araw,  nandyan lagi si God para sayo.  Magpasalamat kung ano man ang magiging resulta.  Tanggapin ito,  kung sakaling hindi ka makakapasa,  huwag sisihin si God o sinuman.  Tandaan mo lahat ng pangyayari sa daigidig ay may dahilan. Sa madaling salita,  may nakalaan na araw ang Diyos para sa ating lahat.  Tandaan,  hindi ka pababayaan ni God.  Trust Him.
-teacherEmon

#BLEPTpassers
#GodIsGoodAllTheTime
#TrustHim
#TiwalaLang
#ParaMakapasaEyebagsAngPuhunan 😂😂😂
#Godbless

Comments