Some tips sa mga magfifile sa PRC Lucena
Hello all! I just want to share some tips sa mga magfifile sa PRC Lucena. I just went there yesterday and submitted all the requirements needed para sa Sept LET. Overall, mabilis kapag nasa loob ka na pero ang tagal maghihintay ng number. Sa mga magrereserve pa lang ng slot sa PRC Lucena (sana meron pa) PLEASE magbayad na kayo sa Gcash or Landbank kung kaya niyo na. 9am kami dumating at 6pm na kami nakauwi (Batangas) dahil ang tagal ng paghihintay sa PAYMENT section. Yung mga mas late dumating sa amin pero nagbayad na thru Landbank or Gcash ay sobrang mabilis. ALSO, mas magandang pumunta ng hapon KUNG PROCESSING lang (NOTE: PROCESSING lang ibig sabihin nagbayad na kayo ahead of time) kasi wala n masyadong tao ng 2pm. May nagbibigay din ng booklet (see photo) FREE yan! Kuha lang kayo at basahin while waiting. PHOTOCOPIES lang hiningi sa amin. May nagbebenta din dun ng documentary stamps. Also, bantayan niyo ang number from time to time kasi yung mga guard dun hindi masyado nagsasalita, nagsusulat lang sa board na maliit about sa number. WAG MAHIYANG MAGTANONG. Kahapon, nakaupo pa kami sa labas pero malapit na pala ang number namin sa loob dahil hindi nga nagsasalita yung guard. Buti NAGTANONNG kami. Yun lang! Magdala ng pasensiya at reviewer para makapagbasa habang naghihintay. Good luck to us!
Comments
Post a Comment